DOLE nanawagan sa mga employer na ibigay nang maaga ang 13th Month Pay ng mga empleyado

DOLE nanawagan sa mga employer na ibigay nang maaga ang 13th Month Pay ng mga empleyado

ALINSUNOD sa Presidential Decree No. 851, na nilagdaan noong 1975, ang 13th Month Pay ay dapat ibigay sa mga manggagawa sa pribadong sektor bago ang Disyembre 24 ng bawat taon.

Ang batas na ito ay nag-uutos sa lahat ng mga employer na magbayad ng 13th Month Pay sa kanilang mga rank-and-file employees na nagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan sa loob ng taon.

Kahit malayo pa ang Disyembre 24, umaapela na ang DOLE sa mga employer na ibigay nang maaga ang 13th Month Pay.

Lalo na’t kaliwa’t kanan na ang mga promo sales at trade fair para sa mga murang produkto na mabibili habang papalapit na ang Pasko.

“Humihingi tayo ng pang-unawa at konsiderasyon sa ating mga employer na agahan naman nang konti para puwede pang ma-budget nang maayos ang mga bibilhin ng mga manggagawa,” ayon kay Sec. Bienvenido Laguesma, DOLE.

May paalala rin ang DOLE sa mga employer na hindi nagbabayad ng 13th Month Pay sa kanilang mga empleyado.

Maaaring harapin nila ang mga legal na kaso, kabilang ang suspensiyon o pagkansela ng kanilang business permit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble