DOLE sa employers: Ipairal ang patas na karapatan para sa PWDs

DOLE sa employers: Ipairal ang patas na karapatan para sa PWDs

IPINAALALA ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng employers na panatilihin ang karapatan ng persons with disabilities (PWDs) sa kanilang mga trabaho.

Sinabi ito ng DOLE bilang paggunita sa 45th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) mula Hulyo 17 hanggang 23.

Batay rin sa Labor Advisory No. 15, pinaaalalahan din nito ang mga kompanya na may mga empleyado ng mahigit sa 100 na maglaan ng kahit isang porsiyento sa lahat ng mga trabaho na kanilang inaalok para sa mga may kapansanan.

Dapat din ayon sa DOLE na walang diskriminasyon sa mga PWD at mabigyan ng express lanes.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter