DOLE, suportado ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers

DOLE, suportado ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers

WoodProfit

SUPORTADO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang planong pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers para agad matugunan ang pangangailangan at hinaing ng mga overseas Filipino worker (OFW) at mapag-ibayo pa ang serbisyong maihahatid sa naturang sektor.

Sinabi ni Undersecretary Joji Aragon na importante na makatanggap ng angkop, epektibo at maayos na serbisyo, tulong at impormasyon ang mga kababayang OFW kung maitatatag ang Department of OFW.

PHOTO JOB

 

“Sinusuportahan po namin ang prinsipyo, at ang spirit at ang intent ng measure na ito. Kaya kami po, sa ngalan ni Secretary (Silvestre) Bello ay nagsasabing suportado namin ang pag-stand up ng Department of OFW,” ayon kay Aragon.

Ipinunto rin ng undersecretary na ang panukalang DOFW ay higit na makatutulong hindi lamang sa mga manggagawa, kundi pati na rin sa mga estudyante na nais makakuha ng training sa ibang bansa.

“Ang isa pong ahensiya na mapapasaloob sa Department of OFW ay yung Commission of Filipinos Overseas… Ang kanila naman pong mandato ay yung mga Pilipino who wish to go on permanent migration, for example, in a third country and therefore kailangan din po ng guidance, mentoring and coaching,’ ani Aragon.

Mababatid na maraming migranteng Pilipino ang madalas na nakikipagbuno pagdating sa labor issues at nagdurusa sa usapin ng recruitment habang ang iba ay nangangailangan ng legal assistance para  sa kinasasangkutang alegasyon ng criminal activity.

Sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, muli itong umapela sa Kongreso na magpasa ng panukala na bubuo ng Department of Overseas Filipino Workers na siyang tututok sa pagtugon sa mga hinaing ng mga Pilipino na nasa abroad at mga pamilya nito.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.