‘EXCITED’ na sina award-winning actress Dolly de Leon at Kathryn Bernardo na simulan ang kanilang latest project.
Sa kani-kanilang post kamakailan, makikita na kasama nila si Director Petersen Vargas sa isang dinner meeting.
Nauna nang sinabi ni Dolly na sabik siyang makasama sa isang proyekto si Kathryn.
Inilarawan pa nga ng veteran actress na ‘very good at kind person’ si Kathryn.
Isang karangalan naman para kay Kathryn na makasama si Dolly.
Ang kanilang upcoming movie ay may pamagat na ‘A Very Good Girl‘.