Dolly de Leon, nagbigay ng inspiring speech sa mga nagtapos sa UP Diliman

Dolly de Leon, nagbigay ng inspiring speech sa mga nagtapos sa UP Diliman

NAGBIGAY ng inspiring speech si Dolly de Leon bilang commencement speaker sa mga mag-aaral na nagtapos ng College of Arts and Letters sa UP Diliman.

“Embrace our strengths, acknowledge our weakness” ito ang ilan sa mga talumpati ng aktres.

Aniya, witness siya sa lahat ng mga batchmate niya na umangat na sa kani-kanilang buhay, habang siya ay hindi umuunlad ngunit hindi niya tiningnan ang tagumpay ng mga ito dahil kailangan niyang mag-focus sa laban ng kaniyang buhay.

Si Dolly de Leon ay ang kauna-unahang Filipino na nakakuha ng Best Supporting Actress sa Golden Globes sa pelikulang Triangle of Sadness.

Matatandaang nominado rin si Dolly noong Pebrero 2023 bilang Best Supporting Actress sa British Academy Film Awards.

Samantala, isa si Dolly sa mga artistang naimbitahan noong Hunyo ng The Academy of Motion Pictures Arts and Sciences.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble