Dolly de Leon, nominado sa BAFTA para sa pelikulang ‘Triangle of Sadness’

Dolly de Leon, nominado sa BAFTA para sa pelikulang ‘Triangle of Sadness’

NOMINADONG muli ang Filipino actress na si Dolly de Leon sa supporting actress category ng 76th British Academy Film Awards (BAFTA) para sa naging papel nito sa pelikulang “Triangle of Sadness.”

Muling makakalaban ni De Leon sila Angela Basset para sa “Black Panther: Wakanda Forever”, Hong Chau para sa “The Whale”, Kerry Condon sa “Banshees of Inisherin” Jamie Lee Curties para sa “Everything Everywhere All at Once” at Carey Mulligan sa “She Said”.

Ang “Triangle of Sadness” na isinulat at dinirekta ni Swedish filmmaker Ruben Ostlund ay nominado rin para sa best original screenplay at best casting.

Matatandaan na nanomina rin si De Leon para sa Golden Globe Awards sa kaparehong category kung saan naiuwi ni Basset ang parangal.

Si Dolly lamang ang natatanging Filipino na nakakuha ng nominasyon mula sa prestihiyosong Golden Globe Awards sa kasaysayan.

 

Follow SMNI News on Twitter