Dolly de Leon, panalong Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards sa Sweden

Dolly de Leon, panalong Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards sa Sweden

MULI na namang nakapag-uwi ng awards ang Filipina actress na si Dolly de Leon mula sa ginampanan nitong papel sa critically acclaimed film na “Triangle of Sadness.”

Nanalo si De Leon bilang Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards ngayong araw kung saan tinalo niya sila Carla She mula sa pelikulang “Stammisar”, Liv Mjönes sa film na “Track for the Last Time”, at Marika Lindström mula sa pelikulang “Burn all my Letters”.

Ayon sa official website ng award-winning body, ang Guldbagge Awards ang leading film awards ng Sweden.

Bukod sa Best Supporting Actress Awards, napanalunan din ng “Triangle of Sadness” ang Best Movie, Best Direction, Best Costume Design at Best Mask Design Awards.

Follow SMNI NEWS in Twitter