Dolly Parton, inalis ang kanyang pangalan sa Rock and Roll Hall of Fame nomination

Dolly Parton, inalis ang kanyang pangalan sa Rock and Roll Hall of Fame nomination

BOLUNTARYONG inalis ng American singer-songwriter Dolly Parton ang kanyang pangalan na kabilang sa mga nominado para sa Rock and Roll Hall of Fame.

Ayon sa singer, sobrang nagpapasalamat siya para sa pagkilala ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya karapat dapat para dito.

Umaasa naman si Dolly Parton na maiintindihan siya ng pamunuan ng Rock & Roll Hall of Fame at sanay mabigyan siya muli ng pagkakataon kung karapat dapat na siya para sa naturang nominasyon.

Sinabi pa nito na ang kanyang Hall of Fame nomination ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya upang makagawa ng mas kahanga-hangang rock ‘n’ roll album sa hinaharap.

Samantala, upang maging karapat-dapat para sa nominasyon sa Rock & Roll Hall of Fame, dapat ay nailabas na ng mga artist o banda ang kanilang unang commercial recording noong 1996.

Ang mga tagahanga ng musika ay makaboboto para sa kanilang mga paboritong musikero online, at ang mga boto ay mabibilang kasabay ng mga balotang isinumite ng higit sa isang libong artista, historians at miyembro ng industriya ng musika sa buong mundo.

Si Parton ay may labing isang Grammy Awards, limampu’ng Grammy nomination, Lifetime Achievement Award at sampung Country Music Association Awards.

 

Follow SMNI News on Twitter