100% nang tapos ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kaya ayon sa DENR, patuloy ang striktong pagpatutupad nila ng mga environmental law sa layong maibaba pa ang coliform level sa Manila Bay.
Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones, tututukan na naman nila ngayon ang Pasig River, Baseco Beach, at ilang lugar sa labas ng National Capital Region (NCR) na bahagi naman ng ikalawang bahagi ng nasabing proyekto.
“So we will be focusing now dito sa part, konting parte ng NCR, particularly Baseco, Pasig River. And then dito naman sa Region 3, Pampanga and Mariveles. Dito naman sa Cavite, sa Region 4A, makikita niyo ‘yung fish pens diyan. Titingnan natin ‘yung mga legalities. Titingnan natin kung puwede nating tanggalin para marestore natin ‘yung water quality hindi lang dito sa NCR but the whole stretch ng Manila Bay covering three regions,” ayon kay Usec. Jonas Leones, DENR.
Manila Bay, hindi pa naabot ang water quality standard—DENR
Pero bagama’t bumubuti na ang kalidad ng tubig sa Manila Bay, hindi pa naaabot ang water quality standard.
Upang maging ligtas ang Manila Bay para sa swimming at iba pang recreational activities, kinakailangang aabot sa 100 most probable number per 100 milliliters (mpn/100ml) ang lebel ng dumi sa tubig.
“Tinitingnan natin kung bakit hindi natin maibaba. Ibig sabihin ‘nun nagbabalance lang yung effort natin at tsaka ‘yung discharges. Kasi ito, reclaimed area itong portion ng Manila Bay. Hindi natin malaman may mga old pipes pa sa ilalim na possible dito nanggagaling ang mga discharges.”
“We continuously try to improve the water quality by strictly enforcing our environmental laws,” dagdag ni Usec. Leones.
Extended producer responsibility law, mahigipit na ipatutupad ng DENR
Isa sa mahigpit na ipatutupad ng DENR ngayon ay ang extended producer responsibility law, kung saan ang manufacturer ang may responsibilidad na i-recover, i-recycle at i-dispose ang kanilang mga basura na nanggaling sa kanilang mga produkto.
Sa isinagawang coastal cleanup sa Seaside Boulevard sa Pasay City bilang paggunita ng World Ocean’s Day, ina-audit na ang mga basurang nakolekta upang matukoy kung saan nanggaling ito.
“Importansiya talaga ng audit is saan po nanggaling ang mga trash na ito. The reason that we need to do that is we can prevent it from reaching the ocean rather than picking it up end of pipe.”
“So, if we can profile kung saan nanggaling ang mga ito, we can trace back where the prevention should actually happen.”
“Talagang responsible ngayon ang mga producers natin. So, we can bring them in the picture effectively to prevent the trash from reaching the ocean,” ani Usec. Leones.
Coastal clean-up sa Manila Bay, ikinasa
Nasa higit 2,000 volunteers ang lumahok sa naturang clean-up operation.
Malalaking gulong, mga tipak ng kahoy, plastic bottles, at styrofoam ang ilang lamang sa mga klase ng basurang nakolekta sa baybayin.
Tiniyak naman ng DENR na regular ang pagsasagawa nila ng mga clean-up drives, hindi lamang seaside ng coastal area kundi maging sa iba pang waterways.