Domestic flights sa ilalim ng ECQ, limitado sa essential travel

Domestic flights sa ilalim ng ECQ, limitado sa essential travel

ILAN sa mga domestic flights ngayong araw ay kanselado dulot na rin sa heightened restrictions ng General Community Quarantine (GCQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ) period mula Agosto 6-20, 2021.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Airlines, kabilang sa kanselado ng domestic flights ngayong araw na biyahe ang Manila patungong Caticlan, Cebu City, Davao City, Cagayan de Oro City, at Tagbilaran City.

Ayon kay Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villaluna, para sa mga pasaherong maapektuhan maaaring mag-rebook ng flight at maaaring i convert ang ticket sa travel voucher, pwede rin i-refund na walang babayaran.

Nagpalabas rin ng abiso ang Cebu Pacific na mula Hulyo 31 ay kanselado na ang biyahe nito mula Manila patungong Bohol, Caticlan, Cebu, Davao at Naga.

”Maari rin mag-rebook o mag refund ng ticket ang mga maapektuhang pasahero, pwede nila ito ilagay sa travel fund ang halaga ng ticket  hangang 2 taon,”ayon kay Carmina Romero, Spokesperson Cebu Pacific

 ‘’Nag anunsiyo na kami only essential travel will be allowed, wala ring charge fees,’’dadag nito.

Bagama’t patuloy ang operasyon ng Cebu Pacific kahit ECQ, nilinaw nito na essential travel lamang ang pinapayagan sa biyahe basta sundin lamang ang mga requirements na hinihingi ng mga Local Government Unit (LGU) na pupuntahan.

‘’Bukod pa ho diyan bawat LGU may nire-require na vaccination card, ipakita mo lang yung mga dala mong requirements,’’dagdag nito.

Pinayuhan din ang mga manlalakbay na laging maghintay sa travel update kaya dapat tama ang contact information na ibinibigay ng mga ito sa airlines.

SMNI NEWS