Donald Trump, ipagbabawal na ang paggamit ng TikTok at WeChat sa Amerika

Donald Trump, ipagbabawal na ang paggamit ng TikTok at WeChat sa Amerika

NILAGDAAN ni US President Donald Trump ang isang executive order na magbabawal sa social media app na TikTok at WeChat sa Amerika.

Magsisimula ang nasabing ban pagkatapos sa 45 araw simula nang lagdaan ito ng pangulo Agosto 6 (oras ng Amerika).

Ayon kay Trump, malaking banta ang TikTok app at messenger app na WeChat na kapwa pagmamay-ari ng Chinese companies.

Maaari umano magamit ng TikTok para sa disinformation campaign na makapagbenipisyo sa Chinese Communist Party.

Habang aniya ang WeChat ay maaaring makapagkolek ng mga datos sa personal at proprietary information ng mga American.

Suportado naman ni Trump ang pagbili ng Microsoft Corp sa TikTok kapag makakakuha ng malaking halaga ang pamahalaan ng Amerika sa sales price.

Samantala, kasalukuyan namang nakipag-ugnayan ang Microsoft sa ByteDance na siyang nagmamay-ari ng TikTok upang bilhin ang operasyon nito hindi lang sa Amerika kundi maging sa Canada, Australia, New Zealand at maging ang global operation ng nasabing app.

SMNI NEWS

 

Althea Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.