Donasyon, premyo ng Pinoy athletes sa int’l competitions, nais maging tax-free ng mga mambabatas

Donasyon, premyo ng Pinoy athletes sa int’l competitions, nais maging tax-free ng mga mambabatas

NAIS ng Kamara na magiging exempted mula sa tax ang donations at mga premyo na napanalunan ng mga atletang kasali sa international sports competitions.

Ayon sa House Committee on Ways and Means, ipapangalan nila ito kay gymnast Carlos Yulo na kakapanalo lang ng dalawang gold medals sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.

Kung matatandaan, ang weightlifter na si Hidilyn Diaz ay nanalo rin ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo taong 2021.

Samantala, nais ring bigyan ng Kamara ng lifetime pension ang mga Filipino Olympic medalists bilang pagkilala sa karangalang dala nito sa bansa.

Dapat magsimula anila ito sa edad na 40 o sa kanilang pagreretiro mula sa sports.

Kasama pa rito ang pag-amyenda sa Republic Act No. 10699 upang mapabuti at mapataas ang mga benepisyo para sa mga pinararangalang atleta at kanilang coaches.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble