Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers, balik na rin sa paglalaro

Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers, balik na rin sa paglalaro

NAGBABALIK na rin sa paglalaro si Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers.

Kasunod ito sa pitong games na hindi nakasali ang basketbolista dahil sa pasa na natamo sa kaliwang tuhod.

Ang pagbabalik-laro na ito ayon kay Cleveland Coach JB Bickerstaff ay magbibigay “confidence” muli para sa grupo.

Sa pagpapahinga ni Mitchell ay natalo ng apat na beses ang Cavs.

Sa kabilang banda, matatandaang “cleared” at maaari na ring maglaro muli si Stephen Curry ng Golden State Warriors matapos nagkaroon ito ng ankle sprain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble