NANATILING nakakulong ang dose-dosenang demonstrador sa China matapos makilahok sa serye ng mga kilos-protesta laban sa pamahalaan noong nakaraang taon dahil sa panawagan na itigil na ang matinding paghihigpit kontra COVID-19. white paper
Ayon sa ulat ng human rights watch, ang ilan sa mga nakakulong ay hindi pa tukoy ang mga kinaroroonan nila.
Matatandaan na noong Nobyembre ay nagkasa ng malawakang kilos-protesta sa iba’t ibang lungsod sa China para ipanawagan na itigil na ang malupit na zero-COVID restrictions na kalaunan ay inalis din ng pamahalaan. white paper
Sa kabila nito, ayon sa mga ulat na palihim umanong hinuhuli ng mga otoridad sa China ang mga sumali sa pagkilos, kabilang dito ang mga estudyante at mga mamamahayag.
Dahil dito ay nanawagan ang human rights watch sa Beijing ng agarang pagpapalaya at pag-alis sa lahat ng mga kasong inilatag laban sa mga lumahok sa ‘white paper’ protests.