DOST, susi sa pagtuklas at paggamit ng yaman ng bayan –Sen. Robin Padilla

DOST, susi sa pagtuklas at paggamit ng yaman ng bayan –Sen. Robin Padilla

NASA Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ang susi sa pagtuklas at paggamit ng yaman ng bansa para makaalpas ang Pilipinas sa problema nito sa enerhiya at utang, ayon kay Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Lunes.

Ani Padilla, ang pagtuklas at paggamit ng makabagong teknolohiya sa ating natural resources para maging enerhiya kasama ang nuclear energy ay makakatugon sa problema ng mahal na kuryente at ang potensyal na kakulangan nito.

Ipinunto naman ni Padilla na malaki ang kikitain ng bansa kung may paraan ito para lokal na makaproseso ng mga mineral at makakatulong ito sa paglutas ng problema sa utang.

Dagdag ni Padilla, nakakalungkot na P2.207 trilyon ang uutangin ng Pilipinas sa 2023 samantalang napakayaman ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter