DOT, ipinangakong susuportahan ang tourism industries ng iba’t ibang LGUs

DOT, ipinangakong susuportahan ang tourism industries ng iba’t ibang LGUs

IPINANGAKO ng Department of Tourism (DOT) na susuportahan nila ang local government units pagdating sa pag-promote ng kani-kanilang tourism industries.

Ito ang tiniyak ni DOT Sec. Christina Frasco kasabay ang pagbibida nito sa mungkahi ng Bolinao, Pangasinan kaugnay sa kanilang Silaki Island.

Sa Silaki Island, target ng Bolinao LGU na magtayo ng imprastraktura na gumagamit ng environment-friendly materials.

Tinatayang P15M ang kakailanganin na pondo para sa proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble