DOT, sasali sa dalawang international fairs; Pilipinas, ibibida tungo sa layuning maging “Tourism Powerhouse”

DOT, sasali sa dalawang international fairs; Pilipinas, ibibida tungo sa layuning maging “Tourism Powerhouse”

SASALI sa Arabian Travel Market 2024 sa Dubai World Trade Center ang Department of Tourism (DOT) at ang Tourism Promotions Board.

Gaganapin ito simula ngayong Lunes, May 6 hanggang May 9, 2024.

Mangunguna sa delegasyon ng Pilipinas sina Tourism Secretary Christina Frasco at Usec. Myra Paz Valderrosa- Abubakar.

Maliban pa sa event na ito sa Dubai ay sasali rin ang DOT sa 39th Seoul International Travel Fair 2024 sa COEX Convention & Exhibition Center, Seoul, South Korea.

Gaganapin naman ito mula May 8 hanggang May 10, 2024.

Ang pagdalo sa dalawang international fairs ay bilang bahagi tungo sa layunin ng Marcos administration na maging “tourism powerhouse” sa Asya at sa buong mundo ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter