PINABULAANAN ng Department of Transportation (DOTr) at AFP Payments Inc. o ang kompanya ng beep card payment system ang umano’y inaalok nilang 12-month free travel card.
Ayon kay AFPI Chief Executive Office JJ Moreno, hindi awtorisado ang ganitong uri ng beep cards kaya pinapaalalahanan ang publiko na huwag mag-click o mag-subscribe sa anumang kaduda-dudang links.
Ito’y dahil maaaring makumpromiso ang personal at financial data nila.
Sa panig ng DOTr, hindi sila konektado sa anumang Facebook page na nag-aalok ng naturang promosyon.
Mainam anila na kumpirmahin ang mga impormasyong nababasa sa pamamagitan ng official websites at social media channels ng DOTr, DOTr-Manila Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit Authority (LRTA).