BINATIKOS ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa nangyaring power outage nitong madaling araw ng Lunes, May 1, 2023.
Aniya, hindi katanggap-tanggap ang pangyayari lalo na’t mahigit 40 flights ang apektado nito.
Marami ring mga biyahero ang na-stranded.
Ang masaklap, mukhang hindi pa natuto ang DOTr at NAIA sa nauna nilang kapalpakan.
Noong January 1, 2023 ay unang nangyari ang power outage at libu-libong mga pasahero ang naantala.