INALIS na ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat na COVID-19 protocols sa mga pampublikong transportasyon.
Partikular na saklaw ang face mask requirement at ang physical distancing.
Maaari na rin na makapag-operate ang mga pampublikong sasakyan sa full capacity nito.
Sa kabila nito ay tiniyak ni DOTr Sec. Jaime Bautista na magsasagawa pa rin sila ng sanitization para maiwasan ang anumang health risks.