DOTr, ipinaliwanag ang dahilan ng ninanais sana nilang fare hike sa LRT at MRT

DOTr, ipinaliwanag ang dahilan ng ninanais sana nilang fare hike sa LRT at MRT

NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na hindi maipatutupad ang bagong fare hike sa LRT at MRT na kanilang napagkasunduan kasama ang iba pang kaugnay na sector.

Ayon kay Usec. Cesar Chavez, sa panayam ng SMNI News, handa silang sundin ang payo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maire-assess ng kanilang ahensiya ang economic impact nito sa mga pasahero.

Ipinaliwanag ni Chavez ang dahilan kung bakit ninanais nilang madagdagan ang pamasahe.

Aniya, pumasok sa isang ‘concession agreement’ ang pamahalaan sa pagitan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang korporasyon ng Ayala at Pangilinan kasama ang Sumitomo.

Nakasaad sa kasunduan na bigyan ng pamahalaan ang LRMC ng pagkakataong magpetisyon ng fare increase.

Subalit ilang taon na ay hindi ito napagbibigyan.

Sa kasalukuyan ay P11 ang boarding fee ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 tapos bawat kilometro ay may dagdag nang 1 piso.

Sa napagkasunduan naman kamakailan ay dadagdagan ng P2.29 ang boarding fee at ang bawat kilometro ay dadagdagan lang ng 21 centavos.

Samantala, sa pinakahuling hiling sana ng LRMC ay P16 ang boarding fee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter