DOTr, lumagda ng kasunduan para sa pagtatayo ng isang big-ticket project

DOTr, lumagda ng kasunduan para sa pagtatayo ng isang big-ticket project

NILAGDAAN na nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Shadow Operator Consultant na Ricardo Rail Australia Party Limited ang kontrata para sa pagtatayo ng big-ticket project na Metro Rail Transit (MRT) Line 4.

Saksi sa contract signing sina Australian Ambassador to the Philippines Dr. Moya Collet at ang mga opisyal mula sa Asian Development Bank (ADB).

Sinabi pa ng DOTr, aarangkada ang MRT line 4 na babagtas mula Ortigas Avenue hanggang Taytay sa Rizal, ito ay sa oras magiging fully operational ang 13 kilometrong proyekto sa 2028.

Pagtitiyak pa ng kalihim na sa pamamagitan ng big-ticket project ay maisakatuparan ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito ay mabigyan ng ligtas, maayos, komportable at maginhawang biyahe ang mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter