GAGAWIN nang 24/7 ang Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel ng Department of Transportation (DOTr) sa Disyembre.
Ayon kay DOTr, Secretary Jaime Bautista, epektibo ito mula Disyembre 15-31, 2022.
Gayunman, ito na ang huling libreng sakay ng DOTr dahil hindi na ito nabigyan ng pondo para sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan, limitado ang libreng EDSA bus rides mula alas-6 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.