DOTr, Meralco, nagkasundo sa pagtiyak ng suplay ng kuryente sa Metro Manila subway

DOTr, Meralco, nagkasundo sa pagtiyak ng suplay ng kuryente sa Metro Manila subway

TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) ang maaasahang serbisyo at tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa oras na maging operational na ang Metro Manila Subway Project (MMSP).

Kasunod ito sa paglagda ng kasunduan ng DOTr at Manila Electric Company (Meralco) para sa pagtatayo ng pasilidad sa Valenzuela Depot ng MMSP.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magbibigay ang DOTr ng mahigit 1,700 metro kuwadradong lupain na pagtatayuan ng Meralco ng kanilang switching station na siyang magbibigay ng sapat at maaasahang kuryente sa buong linya.

Dahil dito, ang Meralco ang siyang mamamahala sa gastusin, pagtatayo, paglalagay, at pag-ooperate gayundin ang kontrol at pagmamantine ng nasabing pasilidad.

Magsisimula sa Valenzuela ang Metro Manila Subway na daraan patungong Quezon City, Pasig City, Makati City, NAIA, at Bicutan.

Inaasahang makapagsisimula na ng partial operations ang Metro Manila Subway pagsapit ng 2028.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble