NAIS ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line (LRT-1) sa Bacoor, Cavite.
Bilang bahagi ito ng kanilang layunin na makapaglingkod ng mas maraming pasahero.
Kasabay na rin ito sa isinusulong ng pamahalaan na pagpapalawig ng riles hanggang Cavite pagsapit ng taong 2030.
Sa plano ng DOTr, itatayo ang istasyon sa pagitan ng Zapote at Niog stations ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Samantala, noong Nobyembre 2024 ay binuksan na sa publiko ang first phase ng Cavite Extension Line ng LRT-1.
Idinudugtong nito ang Baclaran Station, Pasay sa Dr. Santos Station, Parañaque.