NAKAHANDA na ang mga plano ng Department of Transportation (DOTr) at mga sangay na ahensya nito para sa darating na Undas.
Ito ay matapos atasan ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang mga sangay na ahensya nito mula sa aviation, railway, maritime, at road sector.
Aniya, dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero na magsisiuwian sa kanilang mga probinsya ngayong Undas.
Magpapakalat din ng mga maraming kawani sa mga paliparan, istasyon ng tren, daungan, at sa mga kalsada para matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero.
Kasabay nito, inatasan din ang Office for Transportation Security na paigtingin ang seguridad sa lahat ng mga pasilidad sa sektor ng tranportasyon.
Habang nag-deploy rin ng karagdagang mga bus at jeep para mas maraming maisakay na mga pasahero sa Undas.
Samantala, tiniyak naman ng DOTr ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga transport terminal.
Habang naglagay rin ng Oplan Help Desks na nakahandang tumulong sa mga pasahero.