DOTr, nakakuha ng positibong tugon mula sa business leaders sa sidelines ng WEF

DOTr, nakakuha ng positibong tugon mula sa business leaders sa sidelines ng WEF

BINANGGIT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang mga positibong tugon na natanggap ng Pilipinas mula sa business leaders ng mga malalaking kumpanya sa Europa at maging sa Asya.

Kabilang si Bautista sa dumalo sa ginanap na dinner na pinangunahan ni Grab Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Anthony Tan sa sideline ng paglahok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Sa naturang event, nakilala rin niya si former United Kingdom Prime Minister Tony Blair, na nagpahayag ng interes na suportahan ang transportation system ng bansa, partikular ang railway projects ng gobyerno.

Samantala, inihayag ng kalihim na nananatiling nakatutok ang DOTr sa pagbibigay sa publiko ng mas magandang karanasan sa transportasyon sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter