DOTr, naniniwala na magiging 85% na ang sasali sa consolidation process matapos pinalawig ni PBBM ang deadline

DOTr, naniniwala na magiging 85% na ang sasali sa consolidation process matapos pinalawig ni PBBM ang deadline

POSITIBO ang Department of Transportation (DOTr) na aabot sa 85 porsiyento ang jeepney operators at drivers na sasali sa consolidation process tungo sa PUV Modernization Program (PUVMP).

Ito’y dahil pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng tatlong buwan ang consolidation deadline.

Bunga na rin ito ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista sa kaniyang rekomendasyon sa Pangulo.

Sa ngayon, 76 porsiyento na sa buong bansa ang nakiisa rito.

Iginiit naman ni Bautista na importante ang consolidation sa proseso tungo sa PUVMP.

Aniya, ang pagbibigay ng prangkisa para makapag-operate ang isang jeepney unit ay idadaan sa kooperatiba o korporasyon at hindi paisa-isa o individual issuance.

Samantala, sinasabi ng DOTr na hindi na nila irerekomenda ang pagkakaroon ng panibagong extension pagkatapos ng Abril 30, 2024 na deadline.

Kung matatandaan, ito na ang ika-walong extension na ibinigay ng DOTr simula noong taong 2017.

Noong Disyembre 31, 2023 sana ang itinakdang pinakahuling deadline para sa consolidation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble