HINDI na dadagdagan ng Department of Transportation (DOTr) ang motorcycle taxis na papayagang mag-operate sa Metro Manila.
Paglilinaw ito ng ahensiya sa napaulat na karagdagang 8-K slots na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa panibagong apat na motorcycle taxi players.
Sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista, ang 8-K slots ay hindi mag-o-operate sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya.
Ang hakbang na ito ay para din mabawasan ang congestion ng mga sasakyan sa Metro Manila.