NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nila ipinagbibili ang MRT-3.
Kasunod ito sa pangangamba na posibleng tumaas ang pamasahe ng MRT-3 dahil sa umano’y nalalapit na pagsasapribado nito.
Ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista, para lang sa operasyon at maintenance ng tren ang pagkokonsidera nilang isapribado ang MRT-3.
Sa nasabing hakbang aniya, bababa ang operational cost na siyang magiging sanhi upang tuluy-tuloy ang abot-kayang pamasahe para sa commuters.
Tiniyak ni Bautista na kahit maisasapribado ang operasyon at maintenance ng MRT-3, mananatiling ang pamahalaan pa rin ang may-ari nito.