IKINOKONSIDERA ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng motorcycle lane sa EDSA.
Ito’y dahil sa tumataas na bilang ng motorcycle riders sa EDSA sa gitna ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang ikalawang motorcycle lane na ilalagay sa EDSA ay gagawing eksklusibo lamang sa mga motorcycle rider.
Ang kasalukuyang EDSA motorcycle lane kasi ay ginagamit din ng mga pribadong sasakyan.
Batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), tinatayang nasa P2.4-B kada araw ang nawawalang kita ng bansa dahil sa trapiko sa Metro Manila.
Bukod sa ekonomiya, layon din ng ilalagay na eksklusibong motorcycle lane na matiyak ang kaligtasan ng mga motorcycle rider ngayong tumataas na rin ang aksidente sa kanilang hanay.