PINAMAMADALI na ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalabas nito ng Equity Subsidy.
Ang kautusan ay ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista matapos makipagpulong kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III at iba pang opisyal ng LTFRB.
Layunin ng pagpapamadali ng subsidiya ay upang makaakit pa ng maraming operators at drivers na bumuo ng mga kooperatiba.
Sa kanilang pulong, partikular na tinalakay ang mga programa na may kinalaman sa mga pampublikong transportasyon.
Nagbigay rin ng update ang LTFRB hinggil sa Public Utility Vehicle Modernization Program, Service Contracting Program, Fuel Subsidy, Equity Subsidy para sa mga kooperatiba at Motorcycle Taxis.
Gayundin ang pagbibigay ng karagdagang subsidy sa transport workers, lalo na sa mga PUV driver.