DOTr Sec. Bautista, itinangging dawit sa isyu ng alegasyon ng korapsiyon sa LTFRB

DOTr Sec. Bautista, itinangging dawit sa isyu ng alegasyon ng korapsiyon sa LTFRB

KINAUSAP na ng mga representative ng Office of the President (OP) si DOTr Sec. Jaime Bautista hinggil sa isyu ng korapsiyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFTRB).

Si Bautista ay isinasangkot ni Manibela president Mar Valbuena sa isyu ng korapsiyon sa LTFRB.

Ayon umano sa whistleblower na si Jeff Tumbado, dinadala ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz kay Bautista ang nakurakot nitong pera.

Bagay na mariin namang itinanggi ng kalihim.

Ayon kay Bautista, posible siyang maghain ng kaso laban kay Valbuena dahil sa mapanira aniya nitong akusasyon.

Dagdag ng kalihim, nagkausap sila ng whistleblower kung saan pinabulaanan aniya nito sa kaniya na may sinabi siya kay Valbuena na sangkot ang kalihim sa korapsiyon.

DOTr Sec. Bautista, nagpapasaklolo sa NBI para sa imbestigasyon sa umano’y korapsiyon sa LTFRB

Sumulat na si Bautista sa NBI para magpasaklolo para magkaroon ng masusing imbestigasyon ang napaulat na korapsiyon sa LTFRB.

Gusto ni Bautista na malaman kung sino-sino ba talaga ang dawit dito.

Ayon pa sa kalihim, nagpadala na siya ng sulat kay Guadiz para sagutin ang mga alegasyon ng korapsiyon sa kaniya.

Sa loob umano ngayong linggo ay dedesisyunan ng DOTr kung tuluyang ite-terminate si Guadiz.

Relocation sites para sa mga tatamaan ng PNR South Long-Haul Project, itatayo na ng DOTr

Samantala, libu-libong pamilya ang tiyak na tatamaan ng railway project ng gobyerno mula Manila hanggang Bicol o itong PNR South Long-Haul Project.

Ang proyektong ito, layunin na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Para matulungan ang mga maapektuhang pamilya sa proyekto, magtatayo ng pabahay o relocation sites ang DOTr.

Martes ng hapon nang pangunahan ni Bautista ang groundbreaking ceremony sa St. Bart Southville Heights, Brgy. San Bartolome, San Pablo, Laguna para sa limang relocation sites.

Maliban kay Bautista, present sa aktibidad si PNR General Manager Joeben Tai at mga opisyal mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at National Housing Authority (NHA).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter