DOTr, sinabing wala pang magiging umento sa terminal fees sa NAIA

DOTr, sinabing wala pang magiging umento sa terminal fees sa NAIA

KASALUKUYANG wala pang magiging umento sa terminal fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista.

Mararamdaman lang aniya ito kung may nabago na sa paliparan at posibleng nasa isa hanggang dalawang taon pa ito mangyayari.

Nilagdaan na ngayong Marso 18, 2024 ang concession agreement sa pagitan ng DOTr at SMC-SAP & Co Consortium para sa NAIA public-private partnership project.

Mismong dinaluhan ito ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter