DOTr, sinuspinde ang operasyon ng lahat ng pampublikong sasakyan

SINUSPINDE ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng lahat ng mga pampublikong sasakyan kasunod ng umiiral na enhanced community quarantine at social distancing measures sa buong Luzon.

Kabilang sa sinuspinde ang operasyon ay ang Metro Rail Transit o MRT-3, Light Rail Transit o LRT 1 at 2 at Philippine National Railways o PNR.

Kasama rin sa suspensyon ang mga public utility buses, jeepneys, taxi, transport network vehicle service o TNVS, FX, UV express, point-to-point o P-2-P buses at motorcycle taxis.

Ang implemetnasyon ng suspensyon ay simula kaninang alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Abril 13.

Binigyan naman ang mga dayuhan na ba-byahe palabas ng Pilipinas ng hanggang 72 oras matapos ipatupad ang enhance community quarantine.

Habang ang mga inbound flights ay papayagan lamang para sa mga repatriating na mga Pinoy.

LGU, maaaring magbigay ng mga sasakyan sa mga mai-stranded na mga manggagawa

Maaari umanong magbigay ng alternatibong masasakyan ang mga lokal na pamahalaan para sa mga manggagawa kasunod ng suspensyon ng pampublikong sasakyan dahil sa ipinapatupad na Luzon-wide community quarantine.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na maaaring payagan ng gobyerno ang ilang pampublikong transportasyon para sa ilang mga commuters.

Paliwanag ng kalihim, ayaw niyang buksan ang lahat ng mga transportation sectors dahil hinihikayat lamang nito ang mga tao na gumalaw.

Nais kasi ng gobiyerno na ipatupad ang paghihigpit sa galaw ng mga tao upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.