DOTr tiniyak na naka-high alert ngayong Semana Santa

DOTr tiniyak na naka-high alert ngayong Semana Santa

INILAGAY ng Department of Transportation (DOTr) sa high alert ang mga pasilidad ng transportasyon sa buong bansa.

Ito’y dahil inaasahang milyun-milyong Pilipino ang maglalakbay ngayong Semana Santa.

Sinabi na ni DOTr Sec. Vince Dizon, mahigpit na mino-monitor ng ahensya at ng mga attached agency nito ang mga paliparan, road transport terminals, at pantalan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inaasahang aabot sa mahigit 1.18 milyon ang mga pasahero mula Abril 13 hanggang 20, 2025.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), tinatayang mahigit 2.5 milyong pasahero ang dadagsa dito ngayong linggo.

Samantala, sa Philippine Ports Authority (PPA) ay posibleng aabot ng mahigit 1.73 milyong pasahero ang maglalakbay sa mga pampublikong pantalan ngayong Semana Santa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble