DOTr, triple ang pagpatutupad ng seguridad kasunod ng twin bombing sa Sulu

DOTr, triple ang pagpatutupad ng seguridad kasunod ng twin bombing sa Sulu

INATASAN ni Department of Transportation o DOTr Secretary  Arthur Tugade ang lahat ng transport official sa bansa na gawing triple ang pagpatutupad ng seguridad sa lahat ng transportation facilities sa bansa.

Ito’y para maprotektahan ang mga kawani, empleyado, mga pasilida at mananakay laban sa banta ng terorismo matapos ang nangyaring Jolo explosion na kinasasangkutan ng Abu Sayyaf Group nakaraang Agosto 24.

Kaugnay nito, nagtaas na ng security levels ang lahat ng transport facilities sa bansa mula seaports, land ports at airports.

Sa inilabas na transportation security levels sa pangangasiwa ni Office for Transportation Security (OTS), Usec. Raul Del Rosario, nasa Security Condition Level 2 ngayon lahat ng paliparan sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Habang Security Level 1 sa lahat ng seaport facilities sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Security Level 1 sa lahat ng mass at land transport facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Hinimok din ni Tugade ang lahat ng transport agencies na higpitan ang pagpapasok o pagtanggap ng mga indibidwal na magpoproseso ng kanilang dokumento o papeles.

Kasama na dito ang paghihigpit sa inspeksiyon sa mga tao, bags, at mga sasakyan.

Inatasan din ng Office of the Transport Secretary Art Tugade ang regular na inspeksiyon sa mga opisina nito upang maiwasan ang posibleng banta ng terorismo.

Sa huli, nananawagan ang transportation agency sa publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report sa kinauukulan gaya ng pulis o militar ang mga kahina-hinalang tao o gamit o bagay na posibleng magdulot ng takot sa publiko.

“OTS called on the public to sustain vigilance, coordinate with intelligence/security units, and to share any information/intelligence reports that might have direct or indirect impact to the transportation systems for appropriate action of the concerned agency.”

                 — Office of Transport Secretary Arthur Tugade

Kaugnay din nito ang mahigpit din na pagbabantay ngayon sa mga malls, MRT t LRT, at malalaking simbahan upang maiwasan ang anumang banta ng karahasan partikular na sa Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.