DOTr, tututukan na ang Pasig River bilang karagdagang transport system

DOTr, tututukan na ang Pasig River bilang karagdagang transport system

TUTUTUKAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang Pasig River bilang karagdagang transport system para sa Metro Manila residents.

Ayon kay DOTr Usec. Timothy John Batan, nasa 15 hanggang 20 billion pesos ang kailangan para sa planong Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake (MAPALLA) Ferry System Project.

Bibili aniya ang ahensiya ng high-capacity, high-frequency at low carbon commuter vessels.

Kung makukumpleto na, ang MAPALLA Ferry System ay maikukumpara sa Chao Phraya River Ferry System ng Bangkok, Thailand at New York Ferry System ng New York City, USA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble