PORMAL na inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Double Barrel Finale Version 2022 ngayong araw.
Ito ay kasabay ng pagpapasinaya ng Anti-Illegal Drugs Operation thru Reinforcement and Education (ADORE) marker sa National Headquarters sa Camp Crame.
Pinangunahan ito ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos, kung saan panauhing pandangal si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Carlos, ngayong pumasok na sa new normal ang bansa ay tututukan ng Double Barrel ang rehabilitation, reintegration at recovery ng tinatayang higit isang milyong biktima ng iligal na droga.
Umaasa naman si Duque na mapagtatagumpayan ng PNP, PDEA at iba pang ahensya ang nasabing kampanya.