BINIGYAN ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kausapin ang lahat ng alkalde tungkol sa pagkakatayo ng mga impastraktura sa danger zone areas.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos na sabihin ni DPWH Secretary Roger Mercado na may mga itinayong gusali sa mga no-build zone sa ilang lugar na apektado ng bagyong Odette.
Ani Pangulong Duterte, kailangang kausapin ang mga alkalde maging ang mga gobernador dahil sila ang makapagtuturo kung saan lilipat ang mga mawawalan ng tirahan.
Dagdag ng pangulo, para sa kanya ay hangga’t maaari ay ayaw niyang manira ng mga kabahayan hanggang walang relocation site dahil walang pupuntahan ang mga ito.