INAMIN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kulang ang bansa sa integrated flood control master plan.
Sa paliwanag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan, ang ibinahaging 5, 500 flood control projects ni Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay pawang “immediate” relief projects lang.
Aniya pa, pawang mga small-scale lang ang naturang proyekto.
Sinabi naman ni Bonoan na mayroong mga master plan para sa 18 pangunahing river basins subalit ina-update pa ito batay sa iba’t ibang factors.