DPWH, muling magsasagawa ng road reblocking and repair ngayong weekend

DPWH, muling magsasagawa ng road reblocking and repair ngayong weekend

MULING magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking and repairs ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang aktibidad mamayang alas-11 ng gabi, Mayo 13.

Partikular sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:

  1. Edsa Shaw Mandaluyong City NB – innermost lane (busway) mula EDSA Shaw Blvd. (near Shaw MRT Station) going to Doña Julia Vargas Avenue (near SM Megamall-Building D)
  2. Edsa Quezon City NB/ Edsa Quezon City SB – after New York St. Kamuning 1st lane from sidewalk & after Aurora Blvd. to Arayat 2nd lane mula sidewalk
  3. C-5 road NB (4th lane) – before Mckinley Road, Makati City
  4. EDSA- SB Caloocan City – before Urbano Plata St., (2nd lane mula sidewalk)
  5. Mindanao Avenue NB Quezon City – from Phoenix Gas Station to after road 20 (2nd lane/truck lane)
  6. Agham road after Quezon Avenue (2nd lane mula Center Island)
  7. Along EDSA SB Quezon City – Service Road 3rd lane along South Avenue Intersection and 2nd lane from Sidewalk Corner South Avenue to Kamuning road
  8. P. Garcia Avenue Quezon City – fronting U.P. Ayala TBI (1st and 2nd block mula sidewalk)
  9. C-5 road Pasig City – along Pasig Blvd. Southbound infront of St. Ignatius de Loyola Health Care Services & near Sitel Building
  10. Times Street Quezon City corner West Avenue fronting Kowloon House
  11. Tandang Sora Avenue Quezon City – Visayas Avenue to San Miguel St.

Muli namang madadaanan ang mga apektadong kalsada, alas-5 ng madaling araw sa Lunes, Mayo 16.

Pinapayuhan ang mga motorista na pansamantala munang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

 

Follow SMNI News on Twitter