NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang farm-to-market road project nito sa Brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato.
Ang proyekto ay makatutulong sa mga magsasaka na mapabilis ang pag-transport sa mga agri-products tulad ng goma, niyog, saging, mais at iba’t ibang klaseng gulay.
Makatutulong din ito sa mga uniformed personnel na maka-access sa lugar upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
Ayon sa DPWH Regional Office 12 Director Basir M. Ibrahim, ang farm-to-market road ay may habang 2.7 kilometer at may apat na lane.