DPWH, pinaalalahanan na inspeksiyonin ang imprastraktura sa buong bansa

DPWH, pinaalalahanan na inspeksiyonin ang imprastraktura sa buong bansa

MULING pinaalalahanan ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., chairman ng Committee on Public Works, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na patuloy magsagawa ng inspeksiyon at audit ng mga imprastraktura sa buong bansa matapos ang sunud-sunod na paglindol.

“Nitong nakaraang linggo lang ay niyanig tayo ng mga lindol, some worse than others. We have to ensure that there is none to little damage to our infrastructure and of course, our people,” saad ni Sen. Bong Revilla.

Magkakasunod na lindol ang tumama sa bansa na nakaapekto mula Mindanao hanggang Luzon.

Ang Surigao ay niyanig ng 7.6 magnitude earthquake noong Disyembre 2, 2023 at ang Occidental Mindoro ay tinamaan naman ng 5.9 magnitude earthquake nito lamang Disyembre 5 na naramdaman hanggang Metro Manila na nagdulot ng evacuation sa mga gusali at pagtigil ng operasyon ng transportasyon.

Binigyang-diin ni Revilla ang malaking reponsibilidad ng DPWH na matiyak ang kaligtasan ng publiko makaraan ang mga pagyanig kaya kailangang kumilos agad.

“Tuloy-tuloy naman ang pag-inspeksiyon ng DPWH, pero heto at sunud-sunod din ang paglindol. We have to be sure that when a strong one hits, we are ready at walang mapipinsala,” pagwawakas ni Revilla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble