DPWH Secretary Mark Villar, nagpositibo sa COVID-19

DPWH Secretary Mark Villar, nagpositibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar sa kanyang Facebook post na nagpositibo ito sa COVID-19 test.

 

Inihayag ng opisyal ang resulta dalawang araw matapos maitalaga bilang ‘isolation czar’ ng pamahalaan

 

“I regret to announce that today, July 15, I received my test result and it is positive for COVID-19,” pahayag ni Villar sa kanyang Facebook post.

 

Si Villar ay isa sa mga miyembro ng gabinete ng Administrasyong Duterte na nasalinan ng nasabing sakit.

 

Matatandaan nitong Marso ay nagpositibo sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año at nakarekober matapos ang ilang linggo habang si Education Secretary Leonor Briones ay nagpositibo nakaraang buwan ng Abril.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.