Dr. Balita, sang-ayon na buwagin ang PhilHealth

Dr. Balita, sang-ayon na buwagin ang PhilHealth

SANG-AYON si senatorial candidate Dr. Carl Balita na buwagin na ang PhilHealth.

Sa one-on-one interview ng SMNI Exclusive, sinabi ni Balita na ang umaaray dito sa PhilHealth ay private hospitals.

Maliban pa dito, kinakailangan na ring ang namamahala rito ay mga taong may malawak na karanasan hinggil sa pinansyal.

Samantala, naniniwala si Dr. Balita na hindi gaanong maging malala sakaling magkaroon ng COVID-19 surge pagkatapos ng halalan.

Aniya, hindi na kailangang sumailalim pa sa lockdown ang bansa dahil alam na ng mga tao kung paano mamuhay sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

May sapat din aniyang gamot na available at mga hakbang na nakahanda kung kaya’t hindi na magiging kagaya dati ang sitwasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter