KINUMPIRMA ni Dr. Ted Herbosa, National Task Force against COVID-19 special medical adviser na ‘highly transmissible’ ang Omicron variant.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Dr. Herbosa na mas nakahahawa ang Omicron variant na unang natukoy sa South Africa.
Bukod pa rito, na ang mutations spike protein ay mas marami kaysa sa Delta variant.
Aniya, aabot sa higit 34 ang mutations nito habang ang Delta variant ay 8 lamang.
Sinabi rin ni Dr. Herbosa na meron ng Omicron variant sa Hongkong, Belgium, UK at Australia.
Sa ngayon, kabilang ang Pilipinas sa siyam na bansa na pansamantalang nagkaroon ng travel ban sa mga biyahero mula sa bansa sa South Africa.
Sa kabila nito, ayon kay Dr. Herbosa hindi nagustuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga ginawang travel ban ng mga bansa sapagkat hindi pa talaga alam kung saan nagmula ang variant dahil ito ay una lamang natukoy sa South Africa.