Dr. Solante, nagbabala sa pagpasok ng Marburg virus

Dr. Solante, nagbabala sa pagpasok ng Marburg virus

DAPAT maghanda na ang mga ospital sa posibleng pagpasok ng Marburg virus sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa public briefing.
Unang natukoy ang Marburg virus noong 1967 na kapareho ito ng Ebola virus ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay Solante, dapat gawin muli ng Pilipinas ang pag-iwas na ginawa nito sa kasagsagan ng banta ng Ebola noong 2016.
Madalang ang dalawang sakit na ito ngunit puedeng maging dahilan ng outbreak na may mataas na fatality rates.
Ang Marburg virus ay maipapasa sa tao sa pamamagitan ng fruit bats at kakalat sa pamamagitan ng human-to-human transmission.
Una nang kinumpirma ng bansang Ghana na may dalawang kaso ito ng Marburg virus at kalaunan ay nasawi.