Dr. Tony Leachon, itinalaga bilang Special Adviser para sa Non-communicable Diseases

Dr. Tony Leachon, itinalaga bilang Special Adviser para sa Non-communicable Diseases

ITINALAGA ni DOH Secretary Teodoro Herbosa si Dr. Tony Leachon bilang bagong Special Adviser for Non-communicable Diseases.

Ayon kay Herbosa, beneficial para sa mga Pilipino ang pagkakaappoint kay Leachon dahil sa kaniyang kaalaman at karanasan sa medical field.

Si Dr. Tony Leachon isang internist at cardiologist na kasakuluyang nagtratrabaho sa Manila Doctors’ Hospital.

Matatandaan na si Leachon ay naging Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 ng Duterte Administration.

Pero ito ay agad ding nagresign dahil sa mga isyu sa kaniyang mga pronouncements o pahayag sa COVID-19 response measures ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble