Dra. Minguita Padilla, tututukan ang food security sakaling maging senador

Dra. Minguita Padilla, tututukan ang food security sakaling maging senador

MALIBAN sa usaping pangkalusugan, nais din na tutukan ni senatorial candidate Dra. Minguita Padilla ang food security ng bansa.

Sa kanyang pakikipagkita sa chairman ng SMNI na si Reverend Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, sa programang SMNI Exclusive, inilahad nito ang kanyang programa sa pagkain para sa mga Pilipino.

Aniya, malaki ang epekto sa tao kung wala na itong makain, kaya’t mahalaga ito sa alinmang bansa sa mundo.

“We should not depend on other countries to feed us because a country that is weak as no food ay kawawa saan tayo pupulitin ika nga kung wala tayong sariling pagkain at magulo ang mundo,” pahayag ni Dr. Padilla.

Pabor din naman dito si Pastor Apollo, aniya hindi lamang ito nangyayari sa panahon ngayon kundi nakasulat na rin ito sa banal na aklat, kung saan darating ang panahon ng taghirap at taggutom kung kaya’t dapat mapaghandaan ito ng lahat.

Para kay Padilla, panahon na para bigyan ng karagdagang pansin ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa at palakasin ang programang pang-agrikultura.

“Food security po kasi it’s very really important at isa sa mga senatoriables namin ay si Manny Piñol he is also saying that and we go around the country at talagang ‘yan ang daing ‘andito kami magsasaka,’ ‘andito kami mangingisda,’ tulungan nyo kami para hindi na kami mag-iiba ng trabaho. Make them feel important. Huwag pahirapan ‘yung mga naggugulay kunyari from Benguet ipapadala sa Maynila, andaming pahirap so pagdating dito mas mahal sya kaysa smuggled. Bakit ganun, bakit ganun? Parang pinapatay talaga sila. We have to take care of our own, our own farmers, our own fisherfolks because hindi lang para sa kanila sinabi na rin niyo, para sa atin, kasi kawawa tayo kung wala tayong sariling pagkain,” ayon kay Dr. Padilla.

Samantala, mula sa mga isyung natalakay ng dalawa, labis ang tuwa ni Padilla at lubos na nagpapasalamat kay Pastor Apollo at sa SMNI sa ibinigay na pagkakataon na muling makapaglahad ng kanyang mga programa para sa mga Pilipino.

Hindi naman nakaligtas ang kandidato na magpasample ng isang awitin matapos na napag-alaman na mahusay din pala itong umawit mula noong kabataan pa nito.

Sa kanyang pagbalik sa Maynila, isang masayang pagbati para sa kaarawan ng butihing Pastor ang kanyang ipinaabot rito.

“Happy birthday, happy birthday Pastor Apollo Quiboloy on April 25. I wish you a longer life, continued health and may you keep looking and staying young at heart, mentally, and physically as well. Happy birthday. Thank you very much first of all to Pastor Apollo Quiboloy for inviting me on this one-on-one. It is an honor, a pleasure, and a great opportunity for me na makilala lalo ng taong bayan at ng mga Pilipino hindi lang dito sa Pilipinas pero sa buong mundo and salamat ng maraming-marami. Maraming salamat na naman sa SMNI sa pagkakataon na ito na talagang ma-interview at makilala ng mas lubos, ng lubusan ng mga tao, ng mga Pilipino. Maraming salamat po,” ani Dr. Padilla.

Matapos ang naturang panayam, itinuring ni Dra. Minguita Padilla ang sarili na panalo matapos siyang bigyan ng pagkakataon ni Pastor Apollo na makausap ang taumbayan sa pamamagitan ng programang SMNI Exclusive.

Aniya, manalo matalo ang mahalaga aniya ay nakilala siya ng mga Pilipino at nabigyan ng boses sa kanyang mga programa sa bansa.

BASAHIN: Dr. Padilla, tiwala sa kakayahan ng mga kababaihan na mamuno

Follow SMNI News on Twitter